Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘politics’

June 12, 1898, 111 years since my beloved country Philippines got its Independence from its pursuers. 111 years passed and people from the Pearl of the Orient proudly wave the flag to commemorate the day when our country cherished its own freedom. This post will be continued in my country’s national language Filipino.

“3 Stars and a Sun” ay nangangahulugang “Tatlong Bituin at Isang Araw” na nagmula sa watawat ng aking bansang sinilangan. Sa araw na ito, ating ipagmalaki ang ating lahi sa gitna ng mga problema at isyu sa komunidad. Nais ko lamang banggitan ang katagang Con-Ass na siyang isa sa mga balakid ng ating bansa sa panahong yaon. Kahit na ako’y isang menor de edad pa, buong puso at taas noo akong sumasampalataya sa aking bansa ngayong Araw ng Kasarinlan at sa buong buhay ko.

Google creates Doodle for Indepedence Day

Google creates Doodle for Indepedence Day

Sa aking pagsasaliksik sa internet ay natuwa ako sa pagkakaalam na ang isa sa pinakamalaking search engine sa mundo na Google ay gumawa ng isang “Google Doodle” para sa Araw ng Kasarinlan ng bansa. Ito ay isang malaking pagpapahayag ng respeto sa mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa paghahangad ng kapayapaan at kasarinlan ng bansa.

Sa gitna ng mga isyu at skandalong kumakalat sa mga pahayagan at komunidad, nananatiling matatag ang sambayanang Pilipino at mapagmalaki kahit sang dako ng mundo.

Itong aking isinulat ay isang paraan ko upang ipahayag ang dangal ng pagiging Pilipino. Ang pagkakaroon ng Google Doodle ay tunay na nakakamangha sapagkat iilan lamang ang ginagawang iyon. Para sa karagdagang impormasyon ukol niyon maari ninyong puntahan ang mga website na ito:

http://www.abs-cbnnews.com/technology/06/11/09/google-creates-doodle-rp-freedom-day

http://www.google.com.ph/holidaylogos.html

Muli Mabuhay ang Pilipinas! Sama-sama nating isulong ang NO to Con-Ass!

http://notoconass.com/No to Conass!

Read Full Post »